BOTTLED FEELINGS

(One-shot Story)

                                                                          Written by GlitteryRomantic of Wattpad 

Copyright © 2012 by GlitteryRomantic Stories

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law. 

Dear Ex boyfriend,

Nakakainis! Di pa rin kita makalimutan. Kahit na ang tagal-tagal na nating break, ganito pa rin yung nararamdaman ko. Nandito pa rin yung sakit noong naghiwalay tayo. Sumisikip pa rin ang dibdib ko tuwing naaalala kita. Sariwa pa talaga. :(( Ang masaklap pa, tuwing nakikita kita, alam kong masaya ka na. </3 Hanggang ngayon, mahal na mahal pa rin kita. Too bad, hindi na ganun ang nararamdaman mo para sa akin. Haay, eto na naman ako..

Aasa sa wala. </3

Your Ex girlfriend,

Kristine Joy

 

 

Isinilid ko na ang sulat ko sa bote. Pinanood ko lang ang bote habang inaanod ito sa ilog.

 

 

 

AASA.

 

 

 

Yan ang lagi kong ginagawa. Umasa, umaasa, at aasa. Lahat napunta at mapupunta sa wala. Umasa ako na kami na hanggang huli. Umaasa ako na magkakabalikan kami. Aasa ako na sasagot siya sa mga sulat ko sa bote.

 

 

Pero lahat, wala.

 

 

WALANG WALA. </3

 

 

Sana yung feelings ko, parang ganun na lang sa bote. Kapag inanod, mawawala na nang tuluyan. Hindi na makikita nino man. Ako lang. Ako lang yung makakakita.. Ako lang ang makakaalam..

 

 

Nandito na naman ako sa ilog. Araw-araw naman akong nandito eh. May pasok man o wala, nandito ako. Bumibili ako ng maliliit na bote sa junk shop malapit dito sa ilog at doon ko isinisilid ang mga sulat ko.

 

 

 

Mga sulat ko para sa ex ko. </3

 

 

Nagbreak kami ni Vince dahil sa isang maliit na away na lumaki dahil sa pride. Ayan na yung sigawan, turuan, sumbatan, sagutan. ;(( Nagsisisi ako ngayon. Sobrang nagsisisi ako.. Kung hindi ko lang sana sinabi yung mga masasakit na salitang nabitawan ko, hindi kami magkakaganito. Haay.

 

 

 

Dapat talaga mag-iingat tayo sa mga sinasabi natin. Kasi kahit isang maliit na salita lang yan, makakasira yan ng isang malaking bagay.

 

 

Simula noong magbreak kami 3 months ago, araw-araw ko nang sinusulatan si Vince sa pamamagitan ng bote. Naiinis ako sa sarili ko, kasi kahit alam kong mukha na akong kawawa at desperada, tinutuloy ko pa rin. Hindi ko magawang iwasan at itigil. At mas naiinis ako sa sarili ko, kasi patuloy akong nagsusulat kahit alam kong kahit kailan..

 

 

 

HINDI NIYA NAMAN MABABASA. </3

 

 

 

Siguro nga, my feelings are meant to be kept in a bottle. No one knows, no one sees, no one cares.

 

 

Haay. Ang drama ko na naman. Makauwi na nga at makagawa ng assignment. May report pa ako bukas.

 

 

 

Pero bago ako umuwi, hinanap ko muna yung boteng pinaanod ko. Ayun na, nasa malayong parte na. Pero naharang siya ng isang nakalaylay na sanga. Panigurado, hindi yun makakarating sa pinakamalayong destinasyon. Naharang eh. Kainis.

 

 

Sumulat ulit ako ng bago. This time, sana naman mas lumayo-layo pa ang patutunguhan nito.

 

 

 

Dear Ex boyfriend,

Miss na miss na kita. Hinding hindi ako magsasawang sumulat sayo hanggang sa mabasa mo 'to. At hinding hindi rin ako magsasawang sabihin sayo na mahal na mahal kita. Mahal na mahal pa rin kita. Pero hindi ko naman ipipilit ang sarili ko sayo. Ang kaligayahan mo ay kaligayahan ko na rin. Kaya kahit masakit, tatanggapin kong hindi mo na ako mahal. Basta para sayo.

Vince, mahal na mahal kita. Tandaan mo yan.

Your Ex girlfriend,

Kristine Joy

 

 

Pinaanod ko na ito sa ilog katulad ng naunang bote. Pero this time, sa kabilang banda na. Kasi kapag dun sa parehong direksyon ng nauna, baka maharang din eh.

 

 

Nang inanod ko na ito sa ilog, napunta ito sa direksyon ng naunang bote.

 

 

HAAAY. NAHARANG DIN.

 

 

Siguro nga, ayaw ng tadhana na makarating ito sa paroroonan niya.

 

 

 

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. Pero hindi pa man ako nakakalayo sa ilog, may narinig akong isang mahinang 'splash' ng tubig. Napalingon ako sa ilog.

 

 

 

Nabigla ako sa nakita ko. Nabigla din siya. Nandun siya, nakatayo sa tabi ng nakalaylay ng sanga, at pinulot ang dalawang boteng naharang nito. Ang mga bote ko. Mababaw lang naman ang ilog. Hanggang tuhod lang.

 

 

 

At eto siya, papalapit sa akin.

 

 

 

"Vince.."

 

 

"Hmm.. Ano kaya nakasulat dito?"

 

 

"H-ha?"

 

 

"Teka lang Joy ha. Basahin ko lang saglit ang mga 'to."

 

 

"H-ha? W-wag. Wag mong babasahin! Ano, wala lang ang mga 'yan. Hindi mo naman alam kung kanino 'yan. Itapon mo na lang ulit sa ilog."

 

 

Bakit kung kailan narito na siya sa harap ko at handang handa nang basahin ang mga sulat ko, saka naman ako sumusuko?

 

 

Siguro dahil alam kong kahit naman mabasa niya, wala nang pag-asa. Baka pagtawanan pa ako.

 

 

"Bakit ko itatapon sa ilog? Baka importante ang mga nandito eh. Diba?"

 

 

"H-ha? Hindi! Hindi naman 'yan mahalaga. Tinapon na nga ng may-ari eh."

 

 

Inagaw ko na sa kanya ang mga bote.

 

 

"Bakit mo inagaw? Titignan ko lang naman kung ano ang nakasulat diyan para sa araw na 'to. Hindi ko kasi nabasa yung sulat mo kahapon.."

 

 

 

 

 

O_____O

 

 

 

"A-anong.. A-anong.. A-anong.."

 

 

"Sabi ko hindi ko nabasa yung sulat mo kahapon! Excited pa naman akong basahin yung sulat mo ngayon. Tignan mo, dalawa pa oh. Tsk. Akin na nga yan!"

 

 

 

O_____O

 

 

 

Tama ba yung mga narinig ko?

 

 

"Vince.."

 

 

Binabasa na niya ang mga nakasulat. Matapos niyang basahin ang dalawang iyon, tumingin siya sa akin. Mukhang naiinis siya.

 

 

"Nakakainis ka Joy!"

 

 

"B-bakit?"

 

 

"Tss. Ba't kasi lumingon ka pa ulit?!"

 

 

"H-ha?"

 

 

"Nakita mo pa ako! Dahan-dahan na nga ako sa may ilog eh! Ayan tuloy mapapaamin ako nang di oras. Pahamak ka alam mo yun?"

 

 

"H-ha?"

 

 

Inabot niya sa akin ang isang bote. Isang kakaibang boteng hindi katulad ng mga boteng inaanod ko sa ilog. Sa kanya ba 'to? :/

 

 

 

KINAKABAHAN AKO.

 

 

 

Dear Ex girlfriend,

Sorry. Sorry sa mga kasalanan ko sayo. Sorry sa mga nasabi ko. Sorry dahil hinayaan kitang mawala sa'kin. Nagsisisi ako ngayon, sobra. Sorry dahil naging duwag ako sa lahat ng bagay.

Mahal na mahal pa rin kita. Tayo na lang ulit, please. Tayo na lang ulit.

Your Ex boyfriend,

Vince


-- E N D --


Copyright © 2012 GlitteryRomantic. All rights reserved.

Unless otherwise indicated, all materials on these pages are copyrighted by GlitteryRomantic. All rights reserved. No part of these pages, either text or image may be used for any purpose. Therefore, reproduction, modification, storage in a retrieval system or re-transmission, in any form or by any means, electronic, mechanical strictly prohibited without prior written permission.  

 

This free website was made using Yola.

No HTML skills required. Build your website in minutes.

Go to www.yola.com and sign up today!

Make a free website with Yola